Pro at anti-government protest, nakahanda na ngayong araw kasabay ng SONA ni PBBM

Kasado na ang mga programang isasagawa ng iba’t ibang grupo mula anti at pro- government ngayong araw ng State of the Nation Address (SONA).

Sisimulan ng grupong Bayan Southern Tagalog sa bahagi ng Tandang Sora ang ilang programa gayundin ang Kalikasan and Agham bandang alas-9:00 mamaya.

Nakahanda na rin ang Peasant groups mula sa Central Luzon at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (DAR).

Samantala, sa bahagi naman ng Philcoa, asahan ang pagkilos ng Bayan Metro Manila.

Habang bandang alas-11:00 mamaya, asahan ang pagkilos ng Kilusang Mayo Uno sa Ylanan gate.

Asahan naman ang grupong Teachers from ACT and government workers ng Commision on Human Rights sa bahagi ng Liwasang Diokno at nakaabang na rin Health Alliance for Democracy sa bahagi rin ng Tandang Sora dakong alas-11:30 ng umaga.

Asahan na rin na aabot hanggang mamayang hapon ang mga programa ng mga nasabing grupo.

Facebook Comments