
Sa pulong balitaan na ginanap sa Camp Major Bado Dangwa La Trinidad Benguet sinabi ni PRO CAR Regional Director PBGen. Ericson Dilag na walang validated information kaugnay sa kinaroroonan ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag sa rehiyon ng Cordillera.
Gayunpaman, nagbigay pa rin ito ng direktiba sa mga police units sa pag-focus sa manhunt operation laban sa nasabing dating BuCor chief.
Dagdag pa niya, nakakalat na rin ang kanilang assets at informants sa mga lugar na maaaring puntahan ni Bantag pero ang lahat ng ito ay negatibo ang feedback.
Nabatid na nauna nang sinabi ni Department of the Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla na sa huling ulat ay nasa Cordillera nagtatago si Bantag.
Samantala, tiniyak naman ni Dilag na tuluy-tuloy lang ang kanilang monitoring ng pulisya kaugnay sa kinaroroonan ng dating BuCor chief.










