Pro-Duterte rally, hindi ginastusan ng pamahalaan – Malacañang

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na pinondohan ng gobyerno ang pro-Duterte rally kahapon sa Plaza Miranda kasabay narin ng idineklarang National day of Protest.

Nakita kasi ang ilang opisyal ng pamahalaan sa nasabing aktibidad at nagsalita pa sa entablado.

Inakusahan kasi ng ilang grupo ang administrasyon na pera ng taumbayan ang ginamit para sa paghahanda ng mga kilos protesta ng mga kakampi ng administrasyon.


Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, mga taga supprta ni Pangulong Duterte ang nag organisa ng mga rally kahapon at hindi pera ng taumbayan ang ginugol sa nasabing aktibidad.

Hindi din naman nagulat si Andanar sa mga ganitong paratang dahil hindi naman aniya ito bago.

Sinabi ni Andanar na ang mahalaga ay naipahatid ng mamamayan ang kanilang hinaing, pangangailangan at supprta sa gobyerno kahapon at ito ay nairaos ng mapayapa sa buong bansa.

Facebook Comments