PRO-NIR, inilatag ang mga hakbang na gagawin upang masiguro ang seguridad sa isasagawang Trillion Peso March rally sa rehiyon

Magpapakalat ng 2,000 police personnel ang Police Regional Office – Negros Island Region para sa seguridad ng isasagawang Trillion Peso March rally sa rehiyon bukas, Nobyembre 30.

Bilang bahagi ng pagpapasiguro sa seguridad ng publiko, inilatag ng PRO-NIR ang Comprehensive Security and Public Safety Plan, kasama ang local government unit, emergency responders, at iba pang ahensiya.

Ayon kay Police Regional Director Brigadier General Arnold Thomas Ibay, kasama sa inilatag ay ang crowd management response at monitoring sa anumang security concerns.

Una nang ipinasiguro ng simbahan, civil society groups, at mga lalahok sa naturang protest rally na ito ay magiging mapayapang protesta laban sa korapsyon sa gobyerno.

Facebook Comments