Hinimok ni Senator Christopher Bong Go si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isama sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) nito ang mga pro-poor initiatives o programs para sa mga kababayang hikahos sa buhay.
Hiling ni Go sa pangulo na mabanggit sa SONA ang mga dagdag pang plano ng administrasyon upang mas lalong maisakatuparan ang inclusive at full economic recovery mula sa pandemya.
Apela ng senador na walang dapat maiiwan na pilipino sa ating economic recovery lalo na ang mga mahihirap at unahin ang mga programang tiyak na makakatulong sa mga kababayan.
Tinukoy ng mambabatas na pangunahing kailangan ng ating mga mahihirap na kababayan sa ngayon ay ang pagkain at trabaho lalo’t patuloy pa ring bumabangon ang mga ito mula sa epekto ng pandemya.
Dagdag pa sa dapat na tutukan din ng administrasyong Marcos ang mga recovery programs para sa mga maliliit na negosyante na lubhang naapektuhan ang kanilang kabuhayan nang nagdaang global health crisis.