PRO XI, itinanggi ang alegasyon na pasasabugin ang KOJC Cathedral kung hindi isusuko si Quiboloy

Tahasang itinaggi ng Police Regional Office XI na kanilang pasasabugin ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Cathedral kung hindi isusuko si Apollo Quiboloy.

Ayon kay PRO XI Spokesperson Maj. Catherine Dela Rey, walang katotohanan ang mga lumabas na impormasyon at sa katunayan ay nagpapatuloy ang search o paghahanap pa rin kay Quiboloy at apat pang kapwa akusado sa loob ng KOJC compound.

Pinayuhan din ang publiko na huwag agad-agad maniniwala sa fake news.


Nauna nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na masyado pang maaga para magdiwang ang mga miyembro ng KOJC.

Malinaw anila kasing nakasaad sa protection order na inisyu ng korte na dapat tanggalin lang ng PNP ang mga harang at barikada sa KOJC compound pero walang sinasabing pinapahinto ang pagsisilbi ng warrant of arrest kay Apollo Quiboloy at apat pang kapwa akusado nito.

Facebook Comments