PRO1, IGINIIT NA ISANG PERSONAL RESPONSIBILITY ANG PAGSUNOD SA MINIMUM PUBLIC HEALTH STANDARD

Iginiit ng Police Regional Office 1 na isang personal responsibility ang pagsunod sa minimum public health standard ngayong pandemya.

Ito ay sa kabila ng insidente na isang lalaki sa Pampanga ang nasawi matapos mauwi sa pamamaril ang paninita ng pulis sa hindi nito pagsuot ng face mask.

Sa programang isumbong mo sa PRO1 sa iFM Dagupan, sinabi ni PLTCOL Abubakar Mangelen Jr. RPIO, na sana ay maging personal responsibility at disiplina sa sarili ang pag obserba sa minimum public health standard.


Huwag pa rin aniya na kalimutan ang pagsusuot ng face mask, physical distancing at pwede rin ang face shield dahil ito naman ay boluntaryo.

Panawagan nito sa mga residente ng region 1 na huwag magsawang makinig sa mga pulis na nagpapatupad ng minimum public health standard.

Paalala din niya sa mga pulis sa rehiyon na pairalin ang maximum tolerance sa paninita ng mga violators ngayong niluwagan na ang restrictions.###

Facebook Comments