PRO1, IPAPAKALAT ANG HIGIT 5,000 PULIS SA NALALAPIT NA SEMANA SANTA

Tiniyak ni Police Regional Office 1 Regional Director PBGEN Lou Evangelista na nakalatag na ang deployment ng mga pulis sa rehiyon upang matutukan ang peace and order pagsapit ng Holy Week.

Ayon sa opisyal, higit 5,000 kapulisan at force multipliers ang idedeploy sa mga matataong lugar tulad ng mga terminal, simbahan, malls, at mga pook pasyalan sa buong rehiyon.

Paiigtingin din ang police visibility sa paglalagak ng mga police assistance desk kaakibat ang Tourist Police Units dahil sa inaasahang dagsa ng mga motorista at turista.

Binigyang-diin ng tanggapan na naka-heightened alert status ang kapulisan sa rehiyon dahil sa pagsapit ng Semana Santa kasabay ng umiiral na election period.

Patuloy na hinihikayat ng opisyal ang pakikiisa ng publiko upang makamit ang matiwasay na paggunita sa Semana Santa.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments