Binalaan ni Police Regional Office 1 Regional Director Police Brigadier General Emmanuel Peralta ang mga pulis sa Rehiyon 1 na magsosolicit ngayong kapaskuhan.
Ayon kay Peralta, mahaharap sa kasong administratibo ang sinumang pulis na mahuhuling magsosolicit.
Ipinagbabawal aniya sa lahat ng kanyang mga opisyal at tauhan ang anumang solicitation letter at pagtanggap ng regalo partikular na mula sa mga illegal.
Dagdag nito, labas sa polisiya ng PRO1 na mag-solicit ang sinumang mga pulis sa mga pribadong indibidwal at institusyon partikular na sa mga business establishments para sa raffles at iba pang pa-premyo para sa pagdiriwang ngayong panahon ng kapaskuhan.
Nakatakda namang maglabas ng memurandum upang atasan ang lahat ng mga Provincial Directors at mga hepe ng pulisya na paalalahanan ang kanilang mga tauhan na bawal ang solicitations kabilang na ang mga fund raising activities. | ifmnews