Ayon sa pulisya, mahigpit na ipinagbabawal ang ganitong gawain at ang lahat ng lehitimong transaksyon ng pulisya ay isinasagawa lamang sa kanilang opisina.
Nilinaw din na hindi tumatanggap ng pera ang mga pulis sa pamamagitan ng random na mensahe o online transfer mula sa hindi kilalang numero.
Dagdag pa rito, karaniwang modus ng mga scammer ang panghihingi ng cash transfer sa mga e-wallets o bank transfer habang kunwari’y may biglaang pangangailangan o proyekto ang opisina.
Dagdag paalala ng pulisya, hinihikayat ang publiko na huwag pansinin ang anumang insidente na humihingi ng pera mula sa hindi kilalang numero, , i-block ang numero, at agad i-report sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya upang maiwasang maging biktima ng scam.
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>









