PRO1, NAGTALAGA NG 1,000 PERSONNEL PARA SA DALAWANG RALLY SA NOBYEMBRE

Nagtalaga ang Police Regional Office 1 (PRO 1) ng 1,000 personnel mula sa Civil Disturbance Management (CDM) upang tiyakin ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa dalawang malalaking pagtitipon ngayong Nobyembre.

Ang mga tauhan ay magbibigay-seguridad sa Rally for Transparency and a Better Democracy ng Iglesia ni Cristo mula Nobyembre 16 hanggang 18, at muling i-momobilisa para sa Trillion Peso March sa Nobyembre 30.

Ipinahayag ni PBGen Dindo R. Reyes, Regional Director ng PRO 1, ang kahandaan ng pulisya upang masiguro ang maayos na daloy ng parehong aktibidad.

Ayon sa kanya, prayoridad ng PNP ang seguridad ng mga lalahok at ng publiko, at titiyakin na ang mga pagtitipon ay isasagawa nang payapa at maayos habang pinangangalagaan ang karapatan ng mamamayan.

Facebook Comments