Nauna nang tiniyak ng Police Regional Office 1 ang kahandaan ng mga personnel sa tungkuling panatilihin ang kaligtasan ng mga dadalo, tropa maging ng komunidad sa mga anti-corruption rallies sa rehiyon.
Bilang hakbang, bumuo ang tanggapan ng pangkat para sa Civil Disturbance Management (CDM) na magtitiyak sa peace and order at pagbibigay respeto sa Karapatan ng bawat indibidwal.
Nauna nang nanawagan ang Philippine National Police sa mga grupo at indibidwal na panatilihing mapayapa ang mga protesta ngunit hindi parin naiwasan ang sakitan na kinasugatan ng ilang Pulis at naging dahilan ng pagkakaaresto sa ilang raliyista partikular sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Patuloy na pinaiiral ng kapulisan ang maximum tolerance sa mga ganitong aktibidad.
Tiniyak din ang nakalatag na security plan habang dumarami ang protesta sa paggulong ng imbestigasyon sa mga anomalya sa mga flood control projects. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









