PRO2, Handa na sa Pagbibigay Seguridad Ngayong Yuletide Season!

80

Cauayan City, Isabela- Nakahanda na ang Police Regional Office (PRO) 2 na magbigay ng seguridad sa publiko sa pagdiriwang ng Yuletide Season sa buong Lambak ng Cagayan.

Tiniyak ni PBGen Angelito Casimiro, Regional Director ng PRO2 na poprotektahan ng kanyang kapulisan ang mga mamamayan upang mailayo sa anumang krimen lalo na ngayong kapaskuhan.


Sinabi nito na ilalagay na mamayang alas 6:00 ng gabi sa full alert status ang bawat hanay ng kapulisan sa Rehiyon dos hanggang sa Enero 5, 2020.

Gayunman, nasa desisyon pa rin ng mga Provincial Directors at City Director ng Santiago City Police Office (SCPO) kung palalawakin ang kanilang alert status pagkatapos ng Yuletide season.

Pinaalalahanan din ni RD Casimiro ang lahat ng mga Kumander ng yunit na tiyakin ang kaayusan at kaligtasan ng bawat mamamayan sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments