PRO2, May Bagong Pinuno na!

320

Cauayan City, Isabela- Pormal nang manunungkulan ngayong araw si P/BGen. Angelito Casimiro bilang bagong Regional Director ng Police Regional Office 02 o PR02 sa gaganaping turn over ceremony ngayong umaga.

Si General Casimiro ay galing sa Police Regional Office 07 at matagal nang nagsilbi sa Zamboangga samantalang ang kanyang papalitan na si P/BGen Jose Mario Espino ay pansamantalang itatalaga sa kampo Krame at nakatakdang magretiro sa susunod na buwan.


Inaasahang dadaluhan ito ng mga Provincial Director’s sa Lambak ng Cagayan, mga opisyal at ilang ahensya ng pamahalaan.

Magkakaroon din ng PRESS Conferrence pagkatapos ng seremonya kung saan ay ibabahagi ng bagong Regional Director ang mga bagong programa at proyekto bilang bagong pinuno ng PR02.

Kasabay ng pag-upo ay sinalubong naman ng bagong Regional Director ng PNP Region 2 ng isang engkwentro sa pagitan ng kanyang mga tauhan mula sa 205th Mobile Force Company kung saan isa ang namatay at talo ang sugatan sa mga miyembro nito.

Dahil dito, nakikiramay naman ang buong pamunuan ng PRO2 sa pagkamatay ni Patrolman Henry Gayaman na nasawi sa nangyaring engkwentro kahapon laban sa mga New People’s Army (NPA) sa San Guillermo, Isabela.

Nakatakda namang parangalan ang tatlong pulis na nasugatan sa naturang bakbakan.

Facebook Comments

From Advertisers