Cauayan City, Isabela- Namahagi ng 160 sako ng bigas ang pwersa ng Police Regional Office 2 (PRO2) para sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly sa Bicol region.
Ito ay bahagi ng programa ng pulisya na binansagang “Hatid Tulong para sa mga Nasalanta ng Bagyo”
Ayon kay Regional Director *PBGEN Crizaldo Nieves, *ito ay programa ng PNP Headquarters na muling maipalaganap ang diwa ng “bayanihan” lalo na sa panahon ng krisis.
*Dagdag pa ng opisyal, magpapatuloy ang pagtanggap ng donasyon mula sa mga stakeholders sa pagbibigay ng food packs at iba pang maaaring kailanganin ng mga apektadong indibidwal sa nasabing sakuna.*
*Sa ganitong paraan, maiibsan ng kaunti ang lungkot na sinapit ng mga pamilyang nawalan ng tirahan habang ang iba ay nawalan ng mahal sa buhay.*
*Samantala,* una nang isinailalim sa full alert status ang PNP-Region 2 reactionary Stand by support force (RSSF) para sa posibleng dagdag na pwersa ng National Capital Region na ipapadala sa mga apektadong lugar.
Binubuo ang nasabing grupo ng mga sumailalim sa training sa search and rescue operation at relief operation ng pulisya.