PRO2, Nagbigay ng Paalala ngayong Holy Week at Bakasyon!

Muling nagpaalala ang pamunuan ng Police Regional Office 2 sa publiko ngayong Semana Santa at summer vacation.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay kay Police Lieutenant Colonel Chevalier Iringan, tagapagsalita ng PRO-2, dapat alam anya ng mga magbabakasyon o aalis ng bahay ang mga dapat gawin o safety tips ngayong lenten season at summer.

Aniya, tiyakin na dapat nakakandado ang lahat ng pinto maging ang bintana upang makaiwas sa mga magnanakaw.


Iligpit ang mga mahahalagang bagay sa labas ng bahay na maaaring nakawin ng mga may masasamang loob.

Tiyakin din na walang naiwan na nakasinding kandila, bukas na electric o gas stove o tumutulong gripo ng tubig at naka-plug na appliances upang makaiwas sa sunog.

Sa mga magmamaneho anya ng sasakyan ay dapat nasa maayos na kondisyon ang gagamiting sasakyan at siguraduhing kumpleto ang lahat na dokumento na kailangan sa pagmamaneho upang makaiwas sa anumang paglabag na ipinapatupad ng PNP.

Iwasan din anya na gumamit ng cellphpone habang nagmamaneho, hindi dapat nakainom at hindi inaantok upang maiwasan ang anumang disgrasya.

Dagdag dito, iwasan din na magsuot ng mga mamahaling alahas o magdala ng malaking halaga ng salapi ganun na rin sa pagdadala ng maraming gamit upang maiwasan ang pagkawala ng mga ito.

Samantala, Nakaalerto na ang PNP sa mga nasasakupan para sa seguridad ng publiko.

Facebook Comments