Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLTC Efren Fernandez II, head ng Regional Public Information Office ng PRO2, isinagawa aniya ngayong araw, Enero 25, 2022 ang simultaneous na paggunita sa anibersaryo ng SAF 44 ng bawat police stations sa bansa.
Ayon kay PLTCol Fernandez II, mula sa 44 PNP SAF na nasawi sa Mamasapano encounter, anim (6) sa mga ito ay galing sa Lambak ng Cagayan.
Kasabay ng paggunita sa kabayanihan at kagitingan ng SAF 44, patuloy aniyang kinokondena ng buong pwersa ng PNP ang terorismo sa bansa ganun din ang kanilang patuloy na paggampan sa kanilang mga tungkulin para sa kapayapaan ng bayan.
Matatandaan noong Enero 25, 2015, naganap ang madugong bakbakan nang isagawa ng mga operatiba ng PNP SAF ang isang operasyon na pinangalanang Oplan Exodus upang hulihin ang bomb-maker at teroristang si Zulkifli Abdhir o mas kilala sa “Marwan” at iba pang Malaysian Terrorists na nagresulta naman sa pagkamatay ng 44 na pulis.