PRO2, Pinakilos ang Kapulisan sa Cagayan Valley dahil sa Bagyo

Cauayan City, Isabela-Inatasan na rin PRO2 Regional Director PBGen. Steve Ludan ang pwersa ng kapulisan sa rehiyon bilang paghahanda sa posibleng epekto ng dalawang sama ng panahon dahil sa Tropical Depression “Nando” at Tropical Storm “Maring” na patuloy na kumikilos at nagbabanta sa ilang lugar sa bansa kabilang ang Batanes, Cagayan at Isabela.

Inihayag ng panrehiyong direktor sa publiko na manatiling alerto at umantabay sa mga ulat panahon dahil maigi ng maging handa upang makamit ang zero casualty sa panahon ng kalamidad.

Sa kabilang banda, pinakikilos ng heneral ang lahat ng unit commanders na maging handa sa kanilang Search and Rescue Assets (SAR) maging sa pagpapakalat ng mga PNP personnel sakaling magbago ang sitwasyon.


Aniya, makipag-ugnayan sa Local Government Units, Disaster Risk Reduction Management Councils at iba pang ahensya upang malaman kung ano ang mga lugar na mangangailangan ng pwersa ng kapulisan.

Samantala, suspendido ngayon ang nakatakdang pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam.

Pinag-iingat pa rin ang lahat ng mga mamamayan malapit sa ilog na manatiling alerto sa posibleng masamang dala ng sanib-pwersang bagyo.

Facebook Comments