Muling pinaalalahanan ni Police Regional Office 3 PRO3 Director PBGen. Redrico Maranan ang publiko na iwasan ang paggamit ng mga ilegal na paputok upang maiwasan ang anumang aksidente.
Kasabay nito, naglabas ang PRO3 ng listahan ng 261 na community firecracker zones sa buong rehiyon.
Sa nasabing bilang, 15 dito ay sa Aurora; Bataan-5; Bulacan-85; Nueva Ecija- 28; Pampanga-24; Tarlac- 64 at Zambales-40.
Mayroon din aniyang 133 fireworks display areas sa mga sumusunod na probinsya: Aurora – 2; Bataan – 5; Bulacan-46; Nueva Ecija – 27; Pampanga – 15; Tarlac – 9; Zambales – 27; at Lungsod ng Angeles – 2.
Panawagan ni Maranan, umiwas sa paggamit ng paputok bagkus gumamit na lamang ng mga alternatibong pampaingay sa pagsalubong sa Bagong Taon upang iwas disgrasya.