PRO3, nagbigay ng libreng sakay sa mga stranded na pasahero sa Gitnang Luzon

Ipinatupad ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang programang “Libreng Sakay” para tulungan ang mga na-stranded na pasahero sa Gitnang Luzon dulot ng walang tigil na ulan at pagbaha bunsod ng habagat.

Ayon kay PRO3 Director PBGen. Ponce Rogelio Peñones Jr., inatasan niya ang mga pulis sa mga lugar na apektado ng pagbaha na magbigay ng libreng sakay, lalo na sa mga estudyante, manggagawa, at matatanda na nawalan ng masakyan dahil sa limitadong biyahe ng pampublikong sasakyan.

Aniya, ipinakalat ang mga police mobile at patrol vehicles upang magsakay ng mga pasahero mula sa mga lubog na lugar patungo sa mas ligtas na destinasyon, gaya ng terminals, evacuation sites, o mismong bahay nila.

Bukod sa libreng sakay, nagpapatrolya rin ang mga pulis sa mga binahang komunidad upang maiwasan ang krimen, bantayan ang kondisyon ng mga kalsada, at makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at rescue units.

Facebook Comments