
Pinalakas ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang proactive security measures kasunod ng umiinit na tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, bahagi ito ng mandato ng kapulisan upang tiyakin ang seguridad sa bansa para tiyaking hindi madadamay ang Pilipinas sa posibleng spillover ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Kabilang sa mga hakbang ang mahigpit na pagbabantay sa mga vital installation na may koneksyon sa mga nasabing bansa upang maiwasan ang anumang banta sa kaligtasan ng publiko.
Dagdag pa ni Fajardo, mahigpit ding mino-monitor ng Pambansang Pulisya ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Worker sa mga bansang apektado ng tensyon.
Facebook Comments









