PROBABLE CAUSE | Warrant of arrest ng Makati RTC laban kay Peter Lim, ikinalugod ni SOJ Guevarra

Manila, Philippines – Kumpiyansa si Justice Secretary Menardo Guevarra na lalo pang tumibay ang kasong isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban sa grupo ni suspected bigtime druglord na si Peter Go Lim.

Kasunod ito ng pagpapalabas ng Makati RTC ng warrant of arrest laban kay Lim.

Ayon kay Guevarra, patunay lamang ito na may probable cause talaga sa kasong conspiracy to commit illegal drug trading na isinampa ng DOJ laban sa grupo ni Lim.


Kabilang din sa pina-aaresto ni Judge Gina Bibat-Palamos ang isa pang akusado na si Ruel Malindangan.

Bagaman at kasama sa kasong conspiracy sina Kerwin Espinosa at Marcelo Adorco, hindi na naglabas ng warrant of arrest ang korte sa laban dalawa dahil nasa ilalim ngayon ng Witness Protection Program (WPP) ng DOJ si Kerwin habang nakakulong naman si Adorco.

Facebook Comments