Layunin ng Guico Administration dito sa lalawigan ng Pangasinan nag awing Investment Hub ang lalawigan para magkaroon ng mas maraming trabaho ang mga Pangasinense.
Inihayag ang naturang plano ng administrasyon ni Special Assistant to the Governor (SAG) Von Mark Mendoza matapos maging kinatawan ng gobernador ng Pangasinan na si Gov. Ramon Guico III sa isinasagawang Investments Assistance Service ng Board of Investments sa bayan ng Lingayen.
Ayon pa sa kanya, nananatiling isa sa mga prayoridad ng gobernador ang gawing sentro ng Negosyo ang probinsiya sa pamamagitan ng investment o pamumuhunan.
Inilahad pa nito na nasa proseso na ang pagpapatibay at pagpapalakas sa investment office ng probinsya para maging kasangga ng BOI.
Ayon pa sa kanya na magtatayo ang lalawigan ng isang opisina upang matutukan ang usaping pamumuhunan sa lalawigan.
Tinalakay din nito ang ilan pang mga malalaking proyekto ng administrasyon gaya na lamang ng Pangasinan LINK Expressway (PLEX), airport o Paliparan at marami pang iba.
Samantala, kahapon nagsimula ang naturang aktibidad August 17 at magtatapos ngayong araw August 18 at may temang “Linangin ang Obligasyon at Kakayahan Tungo sa Aktibo at Lokal na Pamumunuhan”.
Ang naturang aktibidad ay magiging capacity building para sa lahat ng LGU sa probinsya sa usaping pamumuhunan sa Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments