*Cauayan City, Isabela-* Mahigpit na rin ang paghahanda ng Probinsya ng Aurora sa paparating na ‘Bagyong Ramon’ dahil sa posibleng pagtama ng nasabing bagyo sa probinsya sa darating na Sabado.
Batay sa pinakahuling pagtaya sa bagyong ramon nasa 515 km ng East of Borongan, Eastern Samar at may lakas ng hangin na 55kph at may pagbugsong 70kph na nakakaapekto sa Northern at Central Luzon
Ayon kay Engr. Amado Elson Egargue, PDRRMO Head ng Aurora Province, hindi na nila pinayagan na maglayag pa ang mga may ari ng sasakyang pandagat matapos magpalabas ng gail warning ang pagasa dahil sa banta ng bagyo.
Dagdag pa nito na simula bukas ay pagbabawalan na rin ang publiko maging ang mga turista na pumalaot sa mga beach upang maiwasan ang sakuna.
Bukas, magsasagawa ng pulong ang lahat ng ahensya ng gobyerno sa lalawigan para sa hakbang kaugnay sa pagtama ng bagyo na pangungunahan ni Governor Gerardo A. Noveras.