Cauayan City, Isabela- Wala nang binabantayang aktibong kaso ng COVID-19 ang mga health authorities sa lalawigan ng Batanes.
Ito ay makaraang makarekober ang dalawang pasyenteng positibo sa sakit mula sa bayan ng Basco at Uyugan.
Base sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, wala nang naitalang aktibong kaso ang probinsya simula ngayong araw, March 25, 2022.
Sa kabila nito, patuloy pa rin sa pagpapaalala Pamahalaang Panlalawigan sa publiko na mag-ingat at sumunod sa mga health and safety protocol na ipinatutupad upang matigil ang pagkalat ng virus, at hinimok ang mga hindi pa bakunado na magpaturok ng COVID vaccine upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra Covid-19.
Facebook Comments