Probinsya ng Cagayan, nagsagawa ng pre-disaster meeting kaugnay sa ‘Bagyong Ramon’

*Cauayan City, Isabela*- Mahigpit na rin ang ginagawang paghahanda ng Probinsya ng Cagayan sa inaasahang paglandfall ng ‘Bagyong Ramon’ sa Aurora-Isabela Area.

Sa isinagawang pre-disaster assessment meeting ngayon sa kapitolyo na pinangunahan ni Governor. Manuel Mamba, inatasan nito ang lahat ng sangay ng gobyerno gaya ng kasundaluhan at kapulisan na maging handa sakaling manalasa ang bagyong ramon.

Ayon kay Ginoong Rogie Sending, Provincial Information Officer, naglagay na sila ng dalawang command post na matatagpuan sa tanggapan ng PDRRMC sa Brgy. San Gabriel, Tuguegarao City at Sub-Capitol sa Brgy. Bangag, Lallo, Cagayan.


Dagdag pa nito na patuloy ang kanilang isinasagawang relief operations sa mga residente na biktima ng nagdaang bagyo.

Inatasan din ng Gobernador ng Cagayan ang ilang contractor na manggyaring ipahiram ang kani-kanilang mga heavy equipment para magamit sa pagresponde.

Sa ngayon ay nakadeploy na ang human and physical assets ng gobyerno para sa pagdating ng bagyo.

Matatandaang sinalanta ng Bagyong Quiel ang probinsya at nagdulot ng malawakang pagbaha sa ilang bayan.

Facebook Comments