Probinsya ng Ifugao, may 24 na Patient-under-Investigation dahil sa COVID-19

54

*Cauayan City, Isabela*- Umakyat sa kabuuang 1,402 ang bilang ng mga Patient under monitoring habang naitala ang may pinakamataas na bilang sa Bayan ng Alfonso Lista sa buong Lalawigan ng Ifugao.

Batay sa inilabas na datos ng Provincial Health Office ng Ifugao, nakapagtala naman ang lalawigan ng 24 na Patient under Investigation.


Habang 85 na ang nakakumpleto ng 14 days quarantine matapos magmula ang ilang pasyente sa labas ng probinsya at 1,311 naman ang mga sumasailalim pa sa home quarantine para masiguro ang kaligtasan ng iba pa.

Tiniyak naman ng mga awtoridad ang kanilang kahandaan para masigurong ligtas ang lahat sa banta ng corona virus o covid-19.

Hiniling naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ifugao ang kooperasyon ng publiko para maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit sa probinsya.

Facebook Comments