CAUAYAN CITY – Ginawaran ng limang plake ng pagkilala ang probinsya ng Isabela dahil sa natatangi nitong kontribusyon sa larangan ng turismo.
Unang kinilala ang Provincial Government of Isabela dahil sa matagumpay na implementasyon ng Programang Filipino Brand of Service Excellence para sa taong 2023.
Kinilala din ang Isabela bilang katuwang sa pagsusulong ng cultural heritage sa probinsya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang tourism initiatives.
Bukod dito, nakuha rin ng probinsiya ang Accreditation Champion sa Provincial Category dahil sa mahusay na serbisyong ibinibigay sa mga turista at bisita.
Ginanap ang DOT Regional Tourism Awards sa Carlos Padilla Convention Center sa Bayombong, Nueva Vizcaya.
Facebook Comments