Probinsya ng Isabela, Nakaalerto na rin sa pagdating ng ‘Bagyong Ramon’

*Cauayan City, Isabela*-Nakaalerto ngayon ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC Isabela) katuwang ang ilang ahensya ng gobyerno kaugnay sa pagtama ng ‘Bagyong Ramon’ sa darating na Sabado ng umaga.

Sa isinagawang emergency meeting sa kapitolyo ng lahat ng ahensya  ng gobyerno gaya ng kasundaluhan at kapulisan at iba pa na napag usapan dito ang lahat ng hakbang sa paghahanda sa pagtama ng bagyo.

Posible namang magpalabas na ng Storm Signal ang PAGASA kung hindi magbabago ang direksyon ng nasabing bagyo.


Ayon kay Engr. Eduardo Ramos, Division Head ng Magat Dam, posibleng magbukas sila ng spilling gates sa pagbuhos ng ulan dahil sa bagyong ramon.

Batay sa pinakahuling pagtaya ng PAGASA, makakaranas paminsan-minsan pag-ulan bukas sa eastern portion ng Cagayan, Isabela at Northern Aurora at inaasahang sunod-sunod na mabigat na pagbuhos ng ulan sa Bicol region, Apayao, Quezon, Northern Samar at ilang bahagi sa Cagayan, Isabela at Aurora.

Samantala, pinayuhan ang lokal na pamahalaan ng Tumauini dahil sa pagbubukas ng boys/girls scout provincial jamboree bukas na kailangan dalawang araw nalang isagawa ang nasabing aktibidad.

Facebook Comments