Isinailalim na ngayong araw sa State of Calamity ang buong probinsya ng Leyte.
Kasunod ito ng pinsalang idinulot ng Bagyong Odette sa bansa.
Batay sa declaration ng sangguniang lalawigan, matinding pinsala ang iniwan ng Bagyong Odette sa sektor ng komunikasyon, kuryente, transportasyon, imprastruktura at agrikultura ng probinsiya.
Tulong ang pagdeklara ng State of Calamity para maibigay ang ayuda sa mga biktima ng bagyo.
Ang Bagyong Odette ang itinuturing na pinakamalakas na bagyong pumasok sa Pilipinas ngayong taon.
Nasa halos 400 na ang namatay sa bansa dahil sa bagyo ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Facebook Comments