Nagpalabas ngayon ng karagdagang guideline ang pamahalaang panlalawigan ng Pampanga upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19.
Inanunsyo ni Pampanga Governor Dennis Pineda na lahat ng non-Pampanga residents na papasok ng lalawigan ay kailangang magpresenta muna ng negative RT-PCR test sa barangay level, 72 oras bago pumasok sa probinsya.
Magpapatupad na rin sila ng province-wide curfew na epektibo mula 10 p.m. hanggang 5 a.m. epektibo ngayong Sabado Marso 20, 12:01 a.m. at tatagal hanggang Abril 5, 2021, 5 a.m.
Una nang ipinatupad ng probinsya ng Malay, Aklan ang pagpresenta ng negative COVID-19 test ng mga turista na pupunta sa kanilang lugar.
Ito rin ang inaapela ng League of Provinces of the Philippines sa Inter-Agency Task Force.
Facebook Comments