PROBINSYA NG PANGASINAN, MAS PINAIGTING ANG MGA JOB FAIR CARAVAN SA DISTRICTS 2, 3 at 4

Lalo pang pinaigting ang mga Job Fair Caravan sa probinsya ng Pangasinan nang sa gayon ay makapagbigay ng tulong at makabangon ang mga nawalan ng trabaho sa probinsya.
Malaking tulong ang mas pinaigting na ito na Job Fair Caravan lalo na sa mga nawalan ng trabaho noong kasagsagan ng pandemya maging sa ngayon na hirap pa rin makabangon at makahanap muli ng pagkakakitaan.
Layon ng pamahalaang panlalawigan sa liderato ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III na papasukin ang mga investor at kumpanya para sa mas maraming alok na trabaho.

Umabot na sa apatnaput walo ang hired on the spots, dalawang daan at pitumput isa sa local employments at labingwalo overseas, ayon yan kay Angelika Alberto ng PESO.
Ang job fair ay nagsisilbi ring ‘ONE-STOP-SHOP’ para sa Philhealth, SSS, DTI, at Department of Migrant Workers para sa karagdagang serbisyo. | ifmnews
Facebook Comments