Sabi nga nila “tangkilikin ang sariling atin”, kung kaya’t isa sa magandang paraan upang makatulong sa ating mga kababayan lalo na sa ekonomiya ng ating probinsya ay ang pagbibigay suporta at pagpromote ng ating mga locally-produced products. Marami sa atin ang mahihilig mag business at mas nagiging creative na rin ang mga Pangasinense artist dahil sa kanikanilang mga ginagawang produkto kagaya na lamang sa Dagupan City na maraming mga arts at masterpiece na maaari mong ibenta at idisplay sa inyong mga bahay, katulad rin sa Lingayen na may gumagawa ng mga tsinelas o sandals at iba pa.
Bukod sa ating mga traditional na produkto tulad na lamang ng bagoong, asin, at puto sa bayan ng Calasiao, mas mapapayabong pa lalo ang ekonomiya ng Pangasinan sa pamamagitan ng pagtulong sa pagbuo ng mas maraming trabaho upang mabawasan ang kahirapan.
Napili ang ilan sa ating mga kababayan dito sa Pangasinan para sa pagkakataong makapasok sa global market upcoming trade show na gaganapin sa Manila FAME sa darating na Oktubre 19 hanggang 21 sa World Trade Center ngayong taong 2023. Ang mga sumusunod na SMEs: Crafter’s Joy ng bayan ng Basista, Cawayan (Buri Products in Bolinao), Rach (bayan ng Aguilar), Welab (Women Empowerment and Livelihood Association of Binalonan), ALMA, Ilo, Erastus, Blades, B6 (Blessed Six) na nakipagsapalaran sa architectural lamp, home crafts, well-crafted furniture, metal craft, at sapatos, ayon sa pagkakabanggit ; at Herwin Buccat, isang self-taught artist mula sa bayan ng Bolinao. Kaya suportahan natin ang ating mga kababayan idols, mula rito sa IFM Dagupan, advance congratulations! |ifmnews
Facebook Comments