Probisyon na maglilibre sa pagbabayad ng buwis sa mga itatayong ospital para sa mga OFWs, aprubado na sa House panel

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means ang probisyon sa House Bill 168 na maglilibre sa buwis sa pagpapatayo ng ospital para sa Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa pagdinig, pinayagan ng mga miyembro ng komite ang exemption sa donor’s tax ng pagtatayo ng OFW hospital sa ilalim ng Section 7 ng panukalang batas.

Ang lahat ng grants, donasyon at kontribusyon na makakalap mula sa sino mang indibdiwal o kumpanya para maitayo ang OFW hospital ay magiging tax exempted.


Hindi rin pagbabayarin ng value-added tax at customs duties para sa importation ng medical equipment at machineries, spare parts, at iba pang medical equipment na ekslusibong gagamitin sa operasyon ng pagamutan.

Nakatakda nang iendorso sa plenaryo ng Kamara ang panukalang tax exemptions.

Nauna na ring pinagtibay sa Kapulungan ang House Bill 168 na lumilikha sa OFW hospital.

Facebook Comments