Problema at umano’y anomalya sa farm to market roads, kasama na rin sa iniimbestigahan —DPWH Sec. Dizon

Pinapaaral na rin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang problema at umano’y anomalya farm sa to market roads.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, nakikipag-coordinate na sa kanya si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel at nag-submit ng report hinggil sa isyu ng farm to market roads.

Aniya, noong isang araw ay ipinasa na ng kalihim sa DPWH ang naturang report.

Matatandaang inirekomenda ni Sen. Sherwin Gatchalian sa Senate Blue Ribbon Committee at sa Independent Commission on Infrastructure (ICI) na imbestigahan ang natuklasang overpriced na farm to market roads ng DPWH.

Samantala, tiniyak naman ni ICI Special adviser Rodolfo Azurin Jr., na hindi siya papayag na may “sacred cows” sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Facebook Comments