Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na gagawin ng gobyerno ang lahat para maresolba ang problema ng 6,000 Pilipinong marino sa Europa.
Una nang pinangangambahan ang posibleng pagkakaroon ng problema ng mga Filipino seafarer na nagtatrabaho sa European vessels dahil sa umano’y pagkabigo ng bansa na makapasa sa European Maritime Safety Agency’s Evaluation sa nakalipas na 16 na taon.
Sa panayam ng media sa loob ng eroplano kay Pangulong Marcos habang patungo sa Brussels, Belgium, sinabi nitong dapat na mag-comply ang gobyerno partikular ang ahensyang nakakasakop dito sa ipinatutupad na European Maritime Safety Agency’s Evaluation.
Paliwanag ng pangulo na sa kabila na may nakatakdang bilateral meetings sa ilang mga lider sa Europa ay hindi sapat ang pakikipag-usap sa mga ito para solusyonan ang problema.
Dapat aniyang makapasa ang Pililpinas sa European Maritime Safety Agency’s Evaluation.