Naniniwala ang National Press Club (NPC) na hindi usapin ng Press Freedom ang kinakaharap na problema ng ABS-CBN.
Ayon kay Lakay Rolly Gonzalo, Presidente ng NPC, hindi niya nakikita na may pagkitil sa kalayaan sa iniharap na Quo Warranto case laban sa naturang higanteng network.
Ani Gonzalo, isa itong simpleng kaso ng panunuba o estafa sa pagitan ng presidente at ng ABS-CBN.
Magugunita na inirereklamo ni pangulong Duterte ang hindi nai-ereng political ads nito matapos na kolektahin na ang kaniyang bayad noong panahon ng kampanya noong nakaraang Presidential election
Dagdag ni Gonzalo, kung totoong may pagkakamali ang ABS-CBN ay marapat lamang na ito ay parusahan.
Gayunpaman, hindi dapat na ang parusa ay magbubunsod pagsasara at pagkawala ng trabaho ng libo libong manggagawa.