Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang gobyerno na tugunan ang kakulangan ng skilled workers sa bansa.
Ito ang pahayag ng pangalawang pangulo matapos aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilang proyekto sa ilalim ng Build Build Build Infrastructure Program ang naantala dahil kulang sa mga manggagawa.
Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, sinabi ni Robredo – maraming skilled workers ang nae-engganyong magtrabaho abroad dahil sa mataas ang sahod.
Dapat aniya na magkaroon ng maayos na skills training at opportunities sa bansa upang hindi na ito umalis ng bansa.
Ang Build Build Build Program ay isa sa top priorities ng Duterte administration na may halos ₱8 trillion sa government spending mula 2017 hanggang 2022.
Facebook Comments