Bumuo ang lokal na pamahalaan ng Taguig ng task force na tututok sa problema ng pagbaha sa lungsod.
Bunsod ito ng sunod-sunod na malakas na pag-ulan dulot ng hanging habagat na nagresulta sa pagbaha sa ilang lugar sa Taguig.
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, pagtutuunan ng pansin ng task force ang pagsuri sa pagbaha, tutukuyin ang mga sanhi at magrerekomenda ng solusyon.
Ipinaliwanag ni Cayetano na bagama’t mayroon nang initial observations ukol sa posibleng sanhi ng pagbaha sa mga barangay at naglatag ng solusyon ay mas mainam na umaksyon na ang task force.
Kaugnay nito, masusing pagpaplanuhan ng task force ang long-term solutions sa suliranin para gawing malawak ang pagtugon kasunod ng pagsangguni sa mga residenteng apektado.
Samantala, umapela ang alkalde sa publiko na ipagbigay-alam sa city government sakaling binabaha ang lugar o komunidad.