Problema ng pagkuha ng Election paraphernalia patungong Polling Center agad na inaksyunan ng DepEd

Inihayag ngayon ng Department of Education na kakulangan ng masasakyan sa pagkuha ng election paraphernalia patungo sa Polling Centers, mga problema sa marking pen na gagamitin ng mga botante, at kawalan ng Orientation & Training mula sa Commission on Elections  ng mga miyembro ng Electoral Board ang mga nangunang concern ng mga guro na ipinadala sa pamamagitan ng Mobile Application na dinevelop ng Department of Education kaugnay ng halalan ngayong taon.

 

Ayon kay Education Undersecretary Alaine del Pascua, na tumatayong Deped Election Task Force Chairperson, ang mga nabanggit na concern ay pumasok kaninang umaga at natugunan na rin nila.

 

Paliwanag ng opisyal ang nasabing Mobile Apps na dinivelop ng Kagawaran, ang pinakabagong inobasyon na kanilang pinapatupad para sa kanilang operasyon upang mas maging episyente at epektibo ang pag-monitor sa eleksyon.


 

Ayon sa opisyal, ang nasabing Apps  na nakakonekta din sa COMELEC, ay nakatutok lamang para sa proteksyon at benepisyo ng mga guro. Ang mga tanong dito ay sasagutin sa pamamagitan ng pag-click ng True or False Buttons.

 

Dagdag  pa kay Del Pascua, nasorpresa sila sa dami ng   guro na nag-report sa kanilang Apps  ngayong araw na umabot sa mahigit sa dalawampung-libong (20,000) kumpara sa ibang paraan ng pagre-report gaya ng SMS, fax, at email nung nakalipas na na halalan/ na nasa humigit-kumulang 500.

Facebook Comments