Muling iginiit ng gobyerno ng South Korea na committed sila na tulungan ang Pilipinas sa problema sa enerhiya.
Ang pahayag ay mismong inihayag ni South Korean Ambassador Designate- Lee Sang- Hwa kasabay nang kanyang presentation ng credentials kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaninang umaga sa Malakanyang.
Ayon kay Ambassador Lee, interesado ang kanilang gobyerno na buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant bilang energy generation.
Sinabi ni Lee na nagpresenta at nagsumite na sila ng proposal para sa gagawing joint feasibility study para rito.
Ayon naman kay Pangulong Marcos, titiyakin ng kaniyang administrasyon na ilalagay sa tamang lugar ang mga basic at mahahalagang polisiya na makakatulong sa pagbabago ng ekonomiya ng Pilipinas.
Kaya umaasa ang pangulo na post pandemic world ay magkakaroon nang mas matibay na samahan ang Pilipinas sa mga kaalyadong bansa katulad ng South Korea.
Batay sa datos ng Malakanyang, umabot sa 15.44 bilyong dolyar noong 2022 ang naging kalakalan ng Pilipinas at South Korea.
Ang South Korea ang pang-apat na malaking trade partner ng Pilipinas.