Problema sa artificial congestion, tinutugunan ng PPA ngayong peak holiday season

Naitala ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pinakamaraming pagdating ng twenty-foot equivalent units o TEUs na shipping containers sa Manila International Container Terminal (MICT) nitong buwan ng Oktubre.

Ayon kay PPA General Manager Atty. Jay Santiago, bunsod na rin ito ng nagpapatuloy na upgrade sa MICT kagaya ng pagpapalit at pagdadagdag sa mga quay cranes at pag-invest sa mga mas makabagong kagamitan na makakapag-accommodate ng mga malalaking container vessels.

Sa tulong aniya nito ay mabilis na naaabot ang lumalaking market demand lalo na ngayong papasok na ang peak holiday season.


Tiniyak din ng PPA na tinutugunan nila ang problema sa artificial congestion sa pamamagitan ng pagbibigay lamang ng limang araw para sa mga containers na magtagal sa mga pantalan.

Paalala ni Santiago, dinisenyo ang mga pantalan para maging maayos ang daloy ng mga produkto at hindi gawing imbakan.

Patuloy din ang pakikipagtulungan ng PPA sa mga lokal na pamahalaan upang maging mabilis ang daloy ng mga cargo lalo na sa panahong mataas ang demand.

Facebook Comments