Tiniyak ang Department of Agriculture (DA) na tatapusin ang problema ng bansa sa African Swine Fever (ASF) ngayong taon.
Nabatid na ang ASF ang dahilan ng paghihigpit sa supply at pagtaas ng presyo ng pork products sa bansa.
Ayon kay Agiculture Secretary William Dar, nanantiling problema na kailangnag tugunan ang ASF at pagpapatatag ng presyo ng mga pagkain.
Aniya, pinalawak na nila ang kanilang suporta sa local producers sa pamamagitan ng pagbiyahe ng mga baboy at karne nito.
Nagbibigay rin ang DA ng reimbursement na 21 pesos kada kilo mula sa mga hog shipment mula sa Mindanao, 15 pesos sa Visayas, Ilocos Region, Cagayan Valley, MIMAROPA at Bicol at 10 pesos sa Central Luzon at CALABARZON.
Itinaas din ng pamahalaan ang indemnification fund sa 10,000 pesos kada ulo mula sa ₱5,000.
Naglunsad din ang DA ng 29.6 billion twin program para buhayin ang mga industriyang pinadapa ng ASF.
Mayroon ding alok ang ahensya na ₱500-million financing loan para sa backyard hog raisers na mayroong zero-interest at pwedeng bayaran sa loob ng tatlo hanggang limang taon.
May inilaan din ang DA na ₱1.1 billion para sa repopulation program ngayong taon.
Ngayong taon, aabot na sa 3 million ang ibinagsak ng swine inventory ng bansa dahil sa ASF, sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).