PROBLEMA SA BASURA | Garbage-in, garbage out policy, dapat ipatupad sa Boracay

Manila, Philippines – Para masolusyunan ang tambak na basura sa Boracay, inirekomenda ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento sa Department of Environment Natural Resources (DENR) na magpatupad ng Garbage In, Garbage Out Policy.

Ang mungkahing ito ay alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Duterte sa DENR na linisin ang Boracay sa loob ng anim na buwan.

Ayon sa kongresista, sa pamamagitan ng garbage in, garbage out policy ay masisiguro na mailalabas ang basura sa Boracay at madadala ito sa sentro ng Panay.


Pinapapatawan din ni Sarmiento ng dagdag na singil ang mga turistang magtutungo sa Boracay para maipondo sa regular na paghahakot ng basura.

Giit ni Sarmiento, kailangan na itong gawin dahil sadyang walang espasyo ang Boracay para pag-imbakan ng basura.

Facebook Comments