Problema sa basura, mas lalala dahil sa isinusulong na panukalang bigas kapalit ng basura sa Kamara

Naniniwala ang Ecowaste Coalition na mas magiging malala ang problema sa basura sa bansa dahil sa panukalang bigas kapalit ng basura sa Kamara.

 

Ayon kay Ecowaste National Coordinator Aileen Lucero, baka lalo lang magkalat ang publiko dahil sa magandang kapalit ng pag-iipon ng basura.

 

Sa halip, mas dapat aniyang tutukan ang pagpapatupad sa mga environmental at waste management laws.


 

Dagdag pa ni Lucero, hindi malinaw ang nakapaloob sa panukala dahil hindi tiyak na may paglalagyan ang mga makokolektang kalat.

 

Pinayuhan din niya ang bawat local government unit na bumuo ng resolusyon na magbibigay-daan sa tamang paggamit ng mga plastic.

Facebook Comments