PROBLEMA SA BASURA, PATULOY NA NILULUTAS SA TAGARAN

CAUAYAN CITY- Napapailing na lamang ang mga barangay officials ng Brgy. Tagaran dahil sa mga residenteng hindi marunong magtapon ng maayos sa mga basurahan.

Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Committee on Clean and Green Daniel Acob, madaming residente at dayo mula sa ibang lugar ang nag-iiwan ng mga kalat na ito sa kanilang barangay.

Aniya, imbes na sa Material Recovery Facility ilagay ay itinatambak lamang ito sa labas at ikinakalat ng mga galang aso.


Dagdag pa niya, hindi marunong sumunod sa patakaran ang mga residente sa kabila ng matinding pagpapaalala na kanilang ginagawa.

Sa ngayon, nag-iikot sila sa barangay upang bigyang paalala muli ang mga residente hinggil sa maayos na pagtatapon ng mga basura.

Facebook Comments