Ipinanawagan ng ilang mga magsasaka sa bayan ng Sta. Barbara ang kanilang problema tuwing panahon na ng pagbibilad ng naani nilang palay.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan sa mga magsasakang nagbibilad ng palay sa kahabaan ng Brgy. Malanay sa nasabing bayan, isa umano sa kanilang problema ay kapag magpapaaraw na sila ng naaning palay at wala umano silang sariling mapagbibilaran nito kung kaya’t sa gilid na lamang ng kalsada sila nagbibilad.
Dagdag ng mga magsasaka, wala pa raw umano silang nakikitang ginawa ng LGU Sta. Barbara na lugar para sa pagpapaarawan ng mga naani.
Kung kaya’t nananawagan ang ilang magsasaka sa bayan na sana umano ay matugunan ang kanilang problema para hindi na sila mamroblema sa oras ng pagbibilad ng kanilang palay na para naman umano sa mga tao.
Sa ngayon, ipinaabot na ng IFM Dagupan ang kanilang panawagan sa lokal na pamahalaan ng Sta. Barbara matugunan ang kanilang problema. | ifmnews
Facebook Comments