Problema sa Bilibid, susunod na tututukan ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Sunod na tututukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang problema sa New Bilibid Prison oras na matapos na ang krisis sa Marawi.

Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng BJMP kahapon, sinabi ng pangulo na may mga reporma siyang ipatutupad sa Bilibid.

Kasabay nito, nagbabala si Duterte sa mga inmate na mapapatunayang sangkot sa pagbabalik ng bentahan ng droga sa bilibid.
Ngayon pa lang, binanatan na rin ng pangulo ang human rights group na posibleng bumatikos sa pagbabanta niya sa mga preso.


Facebook Comments