Problema sa brownout sa Siquijor, tapos na — PBBM

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuluyan nang masosolusyunan ang matagal nang problema sa kuryente ng Siquijor.

Personal na pinangunahan ng pangulo ang ceremonial switch-on ng tatlong bagong diesel power plant sa bayan ng Larena na may kabuuang kapasidad na 17.8 megawatts.

Ayon sa pangulo, higit pa sa 9 megawatts na peak demand ng isla ang kayang ibigay ng mga bagong pasilidad, kung saan may nakalaan pang reserbang suplay na 1.7 megawatts.

Dahil dito, kampante ang pangulo na hindi na makakaranas ng malalang brownout ang mga residente ng Siquijor.

Malaki na rin aniya ang ibinaba ng mga insidente ng brownout at mas maayos na rin ang sistema ng power shifting para agad masakop ng ibang planta ang mga maaapektuhan sakaling magkaroon ng outage sa isang bahagi ng isla.

Facebook Comments