Problema sa COVID-19, dapat harapang nireresolba, ayon kay VP Robredo

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na dapat aminin ng pamahalaan ang mga pagkukulang at matuto sa iba pang bansa hinggil sa pagtugon sa COVID-19.

Ito ang mga unang hakbang para sa Bise Presidente para mapagtibay ang COVID-19 response ng pamahalaan.

Sa kaniyang talumpati sa Webinar ng American Chamber of Commerce of the Philippines, binigyang diin ni Robredo na kailangang harapang tinutugunan ang problema sa COVID-19.


Mas magkakaroon ng matibay na ekonomiya kung mayroong epektibong healthcare system.

Mapipigilan din nito ang pagkalat ng virus, mabubuksan ang mga negosyo at makababalik na sa trabaho ang mga manggagawa.

Sinabi rin ni Robredo na mahalagang may maayos na dayalogo sa pagitan ng public at private sectors.

Nanawagan ang Bise Presidente ng mahusay na pamamahala sa pamamagitan ng pagbuo ng mga solusyon para sa pandemya.

Facebook Comments